Korte Suprema, nakapagtala ng mahigit 10,000 examinees sa huling araw ng Bar Exams

Mainit na sinalubong ng kanilang mga pamilya ang mahigit 10,000 aspiring lawyers sa huling araw ng 2024 Bar Exams kahapon.

Mala-fiesta ang pagtatapos ng apat na araw na exams matapos silang salubungin ng banda at bulaklak sa labas ng University of Santo Tomas, na isa sa mga testing centers sa bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Pormal namang ipinasa ni Supreme Court Associate Justice at 2024 Bar chairperson Mario Lopez ang pamumuno ng 2025 Bar Exams kay Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa isinagawang turn-over ceremony sa San Beda College Alabang.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony