DOJ, sasamphan ng human trafficking charges si Alice Guo sa Pasig City

Nakatakdang maghain ngayong linggo ang Department of Justice (DOJ) ng kasong qualified human trafficking laban sa dating Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at sa kanyang mga business partners.

Isa sa mga makakasuhan ay ang umano’y “big boss” ng POGO na si Huang Zhiyang.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Korte Suprema sa kahilingan ng DOJ na ilipat ang pagdinig ng kaso mula sa Regional Trial Court (RTC) Branch 66 ng Capas, Tarlac, patungong Pasig Regional Trial Court.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Ayon sa DOJ, mahalaga ang papel ni Alice Guo at ng kanyang mga kasamahan sa pagpapalaganap ng mga ilegal na gawain ng POGO, kabilang ang tatlong korporasyon—Baofu, Hongsheng, at Zun Yuan.

Kumpiyansa ang ahensya, na sapat ang ebidensyang nakalap para ituloy ang kaso.