ICC, patuloy na nangangalap ng mga testigo hinggil sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng nakaraang administrasyon

Patuloy na nangangalap ng mga karagdagang testigo ang International Criminal Court (ICC) upang palakasin ang kanilang imbestigasyon sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay ICC assistant to counsel Maria Kristina Conti, mayroon na silang nakakausap na mga pangunahing testigo, ngunit naghahanap pa ito ng karagdagang patunay.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Bagama’t umalis na ang Pilipinas sa kasunduan ng ICC, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasynon hinggil sa war on drugs, kung saan mahigit 6,000 indibidwal ang napatay sa mga operasyon ng mga awtoridad.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Bukod kay Duterte, isinama rin sa mga tinukoy na “suspects” sina dating PNP chief at Senator Bato Dela Rosa, mga dating opisyal ng Philippine National Police tulad nina Oscar Albayalde, Edilberto Leonardo, Eleazar Mata, at Maj. Gen. Romeo Caramat Jr., na dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group.