KORONADAL CITY — WALANG lugar na itinuturing na areas of concern sa lungsod ng Koronadal sa darating na eleksiyon sa susunod na taon.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal ni Police Lt. Col. Joedy Lito Guisinga, OIC chief of police ng Koronadal City PNP, base umano ito sa kanilang initial assessment kasama na ang iba’t-ibang mga concerned agencies.
Pinasiguro naman ni Guisinga na patuloy ang kanilang pakikipag-uganayan sa Comelec upang masiguro na magiging matiwasay ang election period sa lungsod.
