CAMARINES NORTE- Umapela ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko partikular sa mga taga Mercedes na makipag tulungan sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan sa pangangalaga ng karagatan.
Ito ay upang makaabot sa national level para sa Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) program na mayroong premyo na hanggang sa P30 milyon halaga ng livelihood project.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sinabi nitong mahalaga ang kooperasyon ng publiko para mapanatiling malinis ang karagatan.
Kamakailan ay nagtungo ang Validation Team sa naturang bayan para sa field evaluation ng MMK program base sa mga isinumiteng dokumento ng LGU na una nang nanalo sa Regional level noong 2017.
Ang MMK ay isa sa banner programs ng BFAR na naglalayong bigyang pagkilala ang outstanding initiatives at contributions ng coastal municipalities and cities sa sustainable fisheries management.
Kabilang sa mga tinitingnang criteria para manalo sa MMK ay dapat walang illegal fishing sa lugar, pagsunod sa closed fishing season, pag establish ng marine protected areas, malinis na coastal waters at walang domestic at industrial wastes at pagkakaroon ng epektibong mangrove protection and rehabilitation programs.
Ayon kay Tiam, malakas ang laban ng Mercedes dahil nakaka comply naman ito sa nabanggit na mga criteria.
Ang medyo mabigat umanong kalaban ngayon ng Mercedes ay ang Prieto Diaz sa Sorsogon maliban pa sa ilang kalahok sa Regional Competition tulad ng Albay at Masbate.
Ang matatanggap na halaga ng livelihood program sa Regional Level ay P2 milyon para sa First place, P1 milyon at P500 para sa second at third placer.
Sa national Level naman ay P30 million worth of livelihood project ang maaaring mapanalunan kapag naka first place habang P18 million at P10 million para sa second at third placer.
Ang isa sa pinakatinitingnan umano ng mga evaluators ay ang tungkol sa pag- manage ng basura.
“Ang pwede nilang mai- contribute ng bawat mamayan ng Mercedes ay tungkol sa pag manage ng ating mga basura, yun po kasi ang number one na tinitingnan na kahit sino na makapunta rito sa atin o kahit saan mang lugar yun po ang tintingnan na ano kung paano i- manage yung ating mga basura,” ani Tiam.
“Mahirap po kasing tingnan lalo na sa ating coastal areas, mga ano yan sa ating pampang ng dagat na kung may mga bisita tayo at makikita nating marumi siyempre aatras yung mga bisita natin na gustong pumunta rito, gustong i- explore itong Mercedes.”
