Pagpasok ng ilang iligal na turista, ikinabahala sa Camarines Sur

NAGA CITY – Ikinabahala ng Lokal na Pamahalaan ng Caramoan sa Camarines Sur ang iligal na pagpasok ng ilang turista nang hindi dumadaan sa tamang screening kasunod nito ang mahigpitang pagbabantay ang ginagawa sa bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Christian Aries Guevarra, Municipal Disaster and Risk Reduction and Management Officer ng Caramoan kinumpirma nitong mayroon paring mga iligal at palihim na pumapasok na mga turista, iligal na nakikipagtransaksyon sa loob, at kasalukuyang hinahanap ngayon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Bukas na kasi ang ilang tourist destination sa bayan at kasalukuyang nag-ooperate ang ilang hotels at isla basta’t Department of Tourism o DOT Accredited na, mag presenta ng Negative RT-CPR Test result at nakapagpabook na ang galing sa labas ng Bicol. Kung mula sa parehong rehiyon kahit Negative Antigen Test result ang dala ay nakapagpabook na rin kahit hindi pa bakunado.

Isinulong ng ilang business owner na kahit sana Vaccination Card na lang ang hingin ngunit hindi ito sinang-ayunan ng LGU dahil sa mababa at mabagal ang bakunahan sa nasabing bayan at hindi malinaw na vaccination data.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Isa rin kasi sa problema ngayon ng Lokal na Gobyerno, ang hindi pakikipag-ugnayan ng probinsya pagdating sa pagbabakuna, aniya base sa kanilang listahan sa mahigit 50,000 na residente ng bayan 4,000 palang ang nababakunahan kaya hindi pa matukoy kung sino pa ang hindi nababakunahan.