Kontrobersyal na lupain sa Brgy. Sta. Cruz, timberland, ayon sa DENR Cenro

Nagsalita na ang DENR Cenro kaugnay sa kontrobersyal na lupain sa Purok Mandaragat sa Barangay sta. Cruz kung saan may naganap kamakailan na pagpapaputok ng baril ng isang barangay kagawad.

Ayon kay DENR CENRO Pedro Velasco, timberland ang land classification ng ilang indibidwal sa lugar at ito ay pagmamay-ari ng gobyerno kaya hindi maaaring tirahan ng kung sino-sino.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Nakarating din kay Velasco ang iginigiit ng kagawad na si Raymondo Velasco na sa kanya ang ekta-ektaryang lupain doon subalit tanging presidential proclamation lang ang hawak nito ngunit ito ay ni-revoke ito ni dating President Corazon Aquino.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Paglilinaw pa ni Velasco, expired na ang certificate of stewardship ni Kgd. Ramos sa tatlong ektaryang lupain sa Sta. Cruz kaya nangangahulugan na hindi na ito dapat nagsasagawa ng aktibidad sa lugar.