LEGAZPI CITY – Tinatarget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na matapos ang 10-storey building sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa taong 2027.
Sinabi ni DPWH Bicol Regional Director Virgilio Eduarte sa isinagawang press conference, nagpapatuloy pa ang konstruksyon nito na isa sa pinakamalaking ospital sa buong rehiyon.
Aniya, isa rin ito sa malalaking proyekto sa rehiyon sa ilalim ng administrasyong Marcos na layuning mailapit ang medical services and facilities sa mga Bicolano, nang sa gayon ay hindi na kailanganin pang bumyahe papuntang Metro upang magpagamot.