Kompanya ng Robot sa Russia, magbabayad ng P10-M sa taong gagayahan ng boses at mukha ng kanilang likhang robot

Russia—Tumataginting na $200,000 o katumbas ng mahigit P10,000,000 ang naghihintay sa taong mapipili ng Promobot – isang kompanya ng mga robot sa bansang Russia, para gayahan ng mukha at boses ng kanilang mga lilikhaing human-like robots.

Batay sa naging anunisyo ng naturang kompanya, handa silang magbigay ng nasabing halaga ng pera sa kanilang mapipiling tao na magbibigay sakanila ng karapatan para gayahin ang kanyang mukha at boses sa gagawing robots.

Read More:  Rare Mindanao mangrove snake discovered in Davao Oriental

Ang mga lilikhaing human-like robots ay ilalagay sa mga malls, hotels at iba pang mga public establishments na magsisilbing staff o assistant na haharap sa mga customers.

Ilan sa mga kwalipikasyong inilatag ng Promobot ay dapat maamo ang mukha, 25 years old and above habang bukas naman ito sa kahit anumang lahi at kasarian sa buong mundo.

Read More:  Rare Mindanao mangrove snake discovered in Davao Oriental

Dahil sa malaking halaga ng pabuya, inulan ng aplikasyon ang Promobot kung saan umabot sa mahigit 20,000 na mga aplikante ang nagpahayag ng kanilang interes sa naturang alok.

Sa huli, inihayag ng kompanya na sa mga susunod na buwan nila i-aanunsiyo ang napili nilang (mga) indibidwal na magiging mukha at boses ng kanilang ‘human-like robots.”### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol