KOJC officials, posibleng sampahan ng obstruction of justice

Kabilang umano sa posibleng sampahan ng kasong obstruction of justice ang ilang opisyal ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay PNP Public Infprmation Office Chief Col. Jean Fajardo, mayroon nang binuong special investigation team na pamumunuan ng Criminal Investigation and Detection Group na tututok sa kasong isasampa sa mga pinaniniwalaang nagkanlong kay Quiboloy magmula nANG ilunsad ang police operation sa KOJC compound.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kabilang aniya dito ang ilang “identified” KOJC officer.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kasama rin umano ang ilang legal representatives ni Quiboloy na “very vocal” na wala sa compound ang KOJC leader.

Tiniyak ng PNP na airtight ang kasong isasampa laban sa mga matutukoy na nagkanlong kay Quiboloy.