KOJC, pinabulaanan ang sinabi ng PNP hinggil sa ‘angels of death’ ni Pastor Quiboloy

Pinasinungalaan ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ ang paratang ng Philippine National police sa umano’y ‘Angels of Death’ o private army ni Pastor Apollo Quiboloy.

Maalalang sinabi PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na hindi lang figurative speech ang angels kundi mga totoong tao.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Ayon sa legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon, ang hinihinalang private army ng pastor ay ang milyon-milyong nitong private prayer warriors.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Kung maaalala, sinabi ng PNP na natukoy na nila ang ilan sa mga private army ng Quiboloy.