Ilang baboy na tinurukan ng bakuna kontra ASF – namatay

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na 5 mula sa 41 baboy na nabakunahan kontra African swine fever (ASF) sa Lobo, Batangas ang namatay.

Pero paglilinaw ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang pagkamatay ng mga baboy na ito ay hindi dahil sa epekto ng bakuna, kung ‘di dahil sa pulmonary disease.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Hindi umano naipaalam sa kanila na na may health conditions ang naturang mga baboy.

Dagdag pa de Mesa, nagnegatibo naman ang mga baboy na ito sa ASF.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Bago pa man aniya isagawa ang bakunahan, ni-require ng DA ang mga baboy na sumailalim sa testing para sa naturang sakit.

Mababatid na sinimulang bakunahan ang baboy sa Batangas noong August 30 gamit ang 10,000 doses ng bakuna laban sa ASF.