Inanunsyo ng two-time world champion ng Japan na si Kento Momota na mag re-retiro na siya sa larangan ng badminton matapos niyang mabigong mag-qualify sa Paris Olympics.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2022/10/ADV_CITRUPLUS__GENERIC-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Saad ng manlalaro, bagama’t hindi niya na ulit makakamit na maging number 1 sa buong mundo, naging maganda naman ang takbo ng kanyang karera.
Nanalo si Momota sa mga world championships noong 2018 at 2019, ngunit nahirapang ibalik ang kanyang kondisyon matapos nitong ma-injured dahil sa isang nakamamatay na vehicle accident sa Malaysia noong 2020.
Bagama’t nakaligtas sa aksidente si Momota, kinailangan niyang dumaan sa isang operasyon dahil sa kanyang fructured eye socket.
###