Jose Javier Reyes, nilatag ang mga plano bilang bagong chairman ng FDCP

Sa kanyang mga dekada na karanasan bilang isang beteranong direktor ng TV at pelikula, binigyang-diin ng bagong Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman na si Jose Javier Reyes ang kanyang pangako na palakasin ang industriya ng pelikulang Pilipino pagkatapos ng pandemya.

Binigyang-diin rin niya ang kahalagahan ng pagsuporta at pagiging proud sa ating national cinema, gayundin ang pagpapalakas ng pagkamalikhain ng mga Pilipino upang makipagkumpetensya sa buong mundo.

Sa paglalatag niya ng plano bilang bagong chairman ng konseho, nangako siya na tututukan niya ang pag-cultivate ng cinematic learning sa pamamagitan ng mga programa  na makakatulong sa paglantad ng mga talento ng mga Pilipino.

Maalalang nanumpa si Reyes bilang bagong FDCP chairman sa harap ni Honorable Justice Mariflor Castillo sa Court of Appeals noong Abril 11.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *