Balik operasyon na ang Dubai International Airport, ayon sa anunsyo ni Dubai Airports chief operating officer Majed Al Joker.

Ito’y matapos ang malawakang baha na tumama sa ilang bahagi ng United Arab Emirates dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.
Bagama’t nahirapan ang paliparan na resolbahin ang mga backlogs ng mga scheduled fliights, naibalik na nila ngayon ang full operational capacity.
Dagdag pa ni Al Joker, susuriin din nila ang kabuuang halaga ng mga pinsala, kabilang na ang halaga ng kanilang mga losses.
###