Matapos ang dalawang taon na laban sa korte, naabot na ng American Idol winner Kelly Clarkson at dating asawang si Brandon Blackstock ang kanilang divorce settlement.
Kaugnay nito, magbibigay si Kelly ng $115,000 kay Brandon kada buwan bilang spousal support hanggang sa January 2024, batay sa kanilang naging kasunduan.
Bagama’t si Kelly ang may primary custody sa kanilang anak na si River at Remington, nakatakda rin si Brandon, na tumanggap ng $45,600 kada buwan bilang child support para matiyak na maayos ang pamumuhay ng kanilang mga anak habang nasa pangangalaga niya ito.

Samantala, si Kelly naman ang nabigyan ng complete ownership ng kanilang ranch sa Montana, kaya kailangang magbayad ni Brandon ng $12,500 para sa renta hanggang June 2022, habang nananatili ito doon.
Sa kabuoan, si Brandon ay nakatakdang tumanggap ng lump sum na $1.3 million mula kay Kelly, bilang bahagi ng kanilang settlement.