Binigyang diin ni Labor Secretary Silvestre Bello na ang minimum wage sa National Capital Region ay maaring hindi na sapat para kanilang mga pamilya, sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng lana at iba pang basic goods.
Dahil dito, ipinag-utos ni Bello sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa buong bansa na madaliin ang pagreview sa minimum wages.
Kampante naman ang Labor chief na magsusumite ang RTWPBs ng kanilang rekomendasyon bago matapos ang Abril.

Sinabi ni Bello, na chairman ng Tripartite Wages and Productivity Board, na dapat imonitor ng RTWPBs, kasama ang National Economic Development Authority (NEDA), Department of Trade and Industry (DTI), at mga kinatawan sa parehong labor at employers groups, ang wage levels, at i-assess ang economic factors at magbigay ng rekomendasyon para sa adjustment ng minimum wages sa buong bansa.
Nabatid na ang RTWPBs sa buong bansa ay nakatanggap ng petisyon para sa increase ng minimum wage sa kani-kanilang mga lugar.