Kauna-unahang transwoman na nagtapos ng Magna Cum Laude sa lambak ng Cagayan, Trending!

“Together, we can continue to break barriers, shatter stereotypes, and build more inclusive and understanding world”.

Trending ngayon online ang kauna-unahang transwoman sa Lambak ng Cagayan na nakakuha ng Latin Honor na Magna Cum Laude.

Pinatunayan ni Miss Aldwin Gedric M. Narag na basta’t tayo’y may pananampalataya at tiwala sa ating mga mga sarili ay lahat ay magiging posible.

Ayon pa sa kaniya, “[if] gender when used in rightful ways is power”.

Ipinunto rin nito na ang tagumpay na kaniyang nakuha ay hindi lamang para sa kaniyang pansariling tagumpay bagkus iniaalay din niya ito sa mga miyembro ng LGBTQIA+ na nakaranas ng mga diskriminasyon, inhustisya, at pangungutya mula sa mga taong sarado ang mga isipan.

Dahil dito, hinangaan siya ng mga netizens hindi lamang sa loob ng Lambak ng Cagayan kundi maging sa buong bansa. Iba’t ibang mga pageant pages din ang humanga at itinampok ang kwento ni Narag kabilang na rito ang “Philippine Pageants” na mayroong 750K na followers.

Kaugnay nito, nagtapos si Narag sa Cagayan State University sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.

Bukod sa pagiging Magna Cum Laude, si Narag ay isa ring recipient ng Campus Service Award, at Leadership Award.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *