Operations Manager, arestado sa Taguig dahil sa kasong qualified theft at falcification of documents

Arestado sa Bonifacio Global City sa Taguig ang isang 45 anyos na Operations Manager.

Ayon sa Taguig City Police Station, isinilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Cristina Arcilla Mabazza ng Regional Trial Court Branch 141 sa Makati City para sa 266 counts ng kasong Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents.

Ang warrant of arrest ay ipinatupad kahapon ng mga operatiba mula sa Station Intelligence Section, Warrant and Subpoena Unit at ng National Intelligence and Security Group-National Capital Region.’

Nagkakahalaga ng mahigit P10 milyong pisong piyansa ang inilaan ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Natuklasan sa imbestigasyon na ang suspek, habang siya ay accountant sa kanyang dating kumpanya, nasangkot ito sa isang scheme kung saan ang maraming invoices ang hindi nagtugma sa mga financial records ng kumpanya, na nagresulta sa ₱100 milyon descrepancy.

Dahil dito, isinagwa ang imbestigasyon hanggang sa maaresto ito ng pulisya. (BRIGADA INTERN – ANGELINE MESINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *