Katubigan ng Milagros, Masbate, nagpositibong muli sa red tide

SORSOGON CITY – Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang coastal waters sa Milagros, Masbate.

Ayon sa pinakabagong Shellfish Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may petsang Pebrero 24, 2022 lumagpas ang naturang lugar sa regulatory limit, kung saan lahat ng uri ng delikadong shellfish at alamang ay natagpuan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang iba pang lugar na nagpositibo sa red tide ay kinabibilangan ng 9 na coastal waters ng Bataan, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay  at San Benito sa Surigao del Norte at Liang Bay sa Surigao del Sur.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ligtas naman sa red tide ang coastal waters ng Mandaon sa Masbate, Sorsogon Bay at Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagpositibo din ang katubigan ng Milagros, Masbate at Sorsogon Bay.