KORONADAL CITY — APAT na ang naitalang kaso ng rabies sa lungsod ng Koronadal sa unang quarter ng taon ayon sa datus ng City Veterinary Office o City Vet.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Charlemagne Calo, ipinaliwanag nito na ipinapadala sa laboratoryo sa GenSan ang ulo ng mga asong naka-kagat upang isailalim sa eksaminasyon.
Ang kaso ng rabies sa lungsod ay nagmula umano sa Barangay Sta. Cruz at San Isidro. Dahil dito, pina-alerto ngayon ng City Vet ang publiko laban sa rabies.
Hinihiling din ni Calo sa publiko na pabakunahan ang mga alagang hayop upang maiwasan ang rabies.
Sa ngayon, tuloy-tuloy umano ang house-to-house rabies vaccination sa lungsod.
