NAGPAPATULOY sa ngayon ang konstruksyon ng mas marami pang resettlement sites sa mga lugar sa rehiyon na labis na naapektuhan ng magkakasunod na malakakas na bagyo.
Ayon kay Engr. Cristina Abaño, project development offficer ng Dept. of Human Settlement and Urban Development o DHSUD sa rehiyon, ang kanilang ahensya ang siyang nangangasiwa sa pagtatayo ng nasabing mga pasilidad sa tulong ng mga attached agencies tulad NHA, PAGIBIG, Social Housing Finance Institutions at iba pang mga housing agencies
Sa katunayan umano, may mga resettlement sites na itinatayo ang NHA katuwang ang kanilang ahensya ilalim ng BBB o Build Back Better program kung saan mayroon ng dalawa sa bayan ng Malilipot sa Albay habang nasa 103 units naman ang naaitayo na sa Tabaco City na nagkakahalaga ng 740 million sa phase 1 at aabot sa mahigit 1,400 units na nagkakahalaga mahigit 1 bilyong piso ang target sa ikalawang phase ng proyekto.
Nakatakda na ring pasimulan ang ang konstruksyon ng nasa 296 units sa Camaligan habang patuloy pang naghahanap ng lugar na mapagtatayuan ng naturang mga pasilidad sa bayan ng Guinobatan.
Pagbahahagi pa ng opisyal, inaasahang maisasakatuparan na rin ang parehong proyekto sa islang probinsya ng Catanduanes oras na maisaayos at matuloy na ang bidding process.
Ang DHSUD ay ang dating Housing and Urban Development Coordinating Council at Housing and Landuse Regulatory Board na nilikha sa pamamagitan ng RA 11021 at may mandatong pangasiwaan ang paglikha ng mga polisiya na may kaugnay sa housing at urban development.