2 Most wanted person sa illegal drugs, timbog sa Calatagan, Batangas

Nasa kustodiya na ng Calatagan Municipal Police Station ang dalawang Most Wanted Person matapos mahuli sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa isinagawang operasyon ng naturang himpilan, una umanong naaresto si Rommel Mendoza, 32 anyos, residente ng Brgy. Bagong Silang, Calatagan, Batangas at tinaguriang Top 9 most wanted ng lalawigan.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Pangalawang naaresto ay si Ruel Alaer, 41 anyos at residente ng Brgy. Hukay, Calatagan, Batangas.

Si Alaer ay itinuturing na Top 8 most wanted ng lalawigan at nahaharap rin sa kasong paglabag sa RA 9165.