Kaso ng Dengue sa Camarines Norte pumalo na sa 112

CAMARINES NORTE – Pumalo na sa 112 ang naitalang kaso ng dengue sa Camarines Norte mula Enero 1 hanggang Hunyo 1 nitong taon.

Ayon sa Department of Health pinakamarami ang naitala sa Daet na may 37 habang double digit rin ang naitala sa Basud at Labo na parehong may 15 kaso.

Pinakakaunti naman sa Sta Elena at Capalonga na parehong nakapagtala ng tig-isang kaso.

Sa kabutihang palad, walang naitalang nasawi nang dahil sa sakit.

Kaugnay nito mas pinalakas pa ng DOH ang kampanya kontra Dengue na kung dati ay 4”s lang ngayon ay ginawang 5’S.

Ito ay Search and Destroy mosquito breeding sites, Self-protection measure, seek early consultation, support fogging in outbreak areas at ang pang lima ay sustain hydration.

Kabilang sa mga sintomas ng dengue ay mataas at tuloy-tuloy na lagnat na tumatagal ng 2-7 araw, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, kalamnan at likod ng mata, pagkahilo, pagsusuka at pamamaga ng lalamunan, walang ganang kumain at pamamantal ng balat o rashes.

Ipinapayo ng DOH na kapag may lagnat nang dalawang araw, kumunsulta  o pumunta sa pinakamalapit na pagamutan.

PHOTO COURTESY: MEDIKO.PH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *