DOTr, in-overhaul ang Mindanao Railway Project

Matapos tanggihan ang Chinese funding para sa Mindanao Railway Project, in-overhaul na rin muna ng Department of Transportation (DOTr) ang buong proyekto para unahin ang pagbuo ng mas moderno at environment-friendly na railway system sa katimugang Pilipinas.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kinakailangan munang i-finalize ang pag-aaral dahil batay sa unang proposal, iminumugkahi ang paggamit ng mga tren na pinapagana ng diesel.

Nang tanungin kung i-overhaul o ire-revamp ng DOTr ang feasibility study para sa Mindanao Railway Project, sinabi ni Bautista kasalukuyan na itong ginagawa ng ahensya.

Dagdag pa ng kalihim na matatapos ang pag-aaral sa Mindanao Railway Project sa loob ng kasalukuyang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *