Bicol region nakapagtala ng 565 na mga bagong kaso, 37 recoveries at 4 na pagkasawi sa COVID-19, kahapon

BNFM BICOL—Umabot sa 565 ang mga naitalang kaso COVID-19 sa Bicol region kahapon, batay sa inilabas na ulat ng Department of Health.

Sa naturang bilang, ang lalawigan ng Camarines Sur ay nakapagtala ng 216 na mga bagong kaso kung saan 136 dito ang naitala sa Naga City; 11 sa bayan ng Cabusao; pito sa Sipocot; tag anim ang Buhi at Pili; tag li-limang kaso ang Calabanga, Canaman, at Libmanan; tag apat ang Iriga City at Nabua; tag tatlong kaso ang Baao, Bato, Magarao at Minalabac; dalawa sa Bombon, Goa, Lagonoy, at Tinambac at may tag-iisa ang Bula, Camaligan, Pamplona, Ragay, San Fernando, San Jose at Tigaon.

Samantala ang lalawigan ng Albay, ay mayroong 159 na mga bagong kaso ng sakit kung saan 56 dito ang mula sa Legazpi City; 41 sa Daraga; 14 sa Tabaco City; sampo sa baya ng Polangui; tag walo ang Ligao City at Tiwi; lima sa Camalig; apat sa Pio Duran; tatlo sa Bacacay at Guinobatan; dalawa sa Manito at Sto. Domingo habang tag iisang kaso ang Libon, Malilipot at Oas.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang Sorsogon ay mayroon namang 138 mga bagong COVID-19 cases kung saan 55 nito ang mula sa Sorsogon City; 19 sa Irosin; sampo sa Donsol; siyam sa Juban; walo sa Gubat; tag anim ang Castilla at Bulan; tag lima ang Barcelona at Casiguran; tag a-apat ang Pilar, Prieto Diaz at Sta. Magdalena; dalawa sa Bulusan at isa Magallanes.

Pitong kaso naman ang naitala sa Camarines Norte kung saan tag dalawa ang bayan ng Daet at Labo at tag iisa ang mga bayan ng Basud, Mercedes at San Lorenzo Ruiz.

Sa mga island provinces ng rehiyon, ang Catanduanes ay mayroong 34 na mga bagong kaso kung saan 14 nito sa mula sa Virac; pito sa Bagamanoc; anim sa San Andres; tatlo sa Bato; dalawa sa Viga at pawang isa sa Baras at Pandan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dalawa naman ang naitalang kaso sa Masbate mula sa bayan ng Claveria at Pio V. Corpuz habang may siyam na iba pang nagmula sa labas ng Bicol ngunit dito naitala sa rehiyon.

Sumatotal, pumapalo na sa 52,077 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong Bicol kung saan 6,669 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

May 37 rin na naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 43,401 na ang COVID-19 recoveries sa Bicol habang apat naman ang mga bagong nasawi kung kaya’t sa kabuuan ay nasa 2,007 na ang COVID-19 death toll sa Bicol.###