NAGA CITY- Bumaba ng bahagya ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur.
Kung titinggan ang record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO noong nagdaang linggo pumapalo sa 100 ang kaso bawat araw, umabot pa nga sa mahigit 200 noong Enero 17 at 19. Simula noong Enero 23 hanggang Enero 27 hindi na umaabot sa 200. 107 ang bagong kaso kahapon. Sa ngayon 1, 551 pa pa ang aktibong kaso , lima ang panibagong nasawi. 16, 087 na ang cumulative cases sa probinsya.
Una nang sinabi ng Bicol Medical Center na sa kanilang record bumaba rin ng bilang ng mga na-aadmit. Mula sa 150 bumaba sa 67 noong Enero 23.
Ang mga kinukunan ng swab samples sa naturang pagamutan ay 60-70 na lamang. Kaunti na rin ang mga empleyadong nagpapacheck-up sa COVID-ward at unti-unti nang bumabalik sa trabaho ang mga dating nag isolate.
Ayon kay Emerging and Re-emerging Infectious Disease (EREID) Center Head , Dr. Joey Rañola III , pababa man ang kaso ipagpatuloy ang pagsunod sa health standards at magpabakuna.