CAMARINES NORTE – Hinirang bilang Best Performing Provincial Office ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Camarines Norte sa katatapos lang na Recognition Rites na pinamagatang Incentivizing Service Excellence
Tinanggap ang parangal ni Camarines Norte DILG Provincial Director Ray Caceres kamakalawa sa Regional Office.
Kabilang sa mga naging barometro ng naturang parangal ay ang pakikipagtulungan ng mga stakeholders, Local Government Units sa suporta at compliance ng mga ito sa mga direktiba ng departamento.
Kaugnay nito ay nagpasalamat ang DILG Provincial Operations Office sa lahat ng stakeholders at mga LGU gayundin sa Regional Office.
Malaki umano ang naitulong ng mga nabanggit upang maging epektibo at mahusay ang pagtupad sa tungkulin at sa kanilang mandato.
Ang awarding ceremony ay recorded rin via Zoom Virtual Meeting na dinaluhan rin ng DILG Region 5 personnel.
Dati na ring nagbibigay ng pagkilala ang DILG para i- promote ang creativity, innovativeness, efficiency, integrity and productivity sa public service.
