Kaso ng COVID-19 sa Bicol sumipa na sa mahigit 47K matapos madagdagan ng 182 bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Patuloy sa pagtaas ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region isang linggo matapos ang pagpasok ng Bagong Taon.

Kahapon araw ng Biyernes, umabot sa kabuuang 182 ang mga naitalang bagong kaso ng sakit sa rehiyon batay sa tala ng Department of Health-Bicol.

Sa naturang bilang, ang lalawigan ng Camarines Sur ang muling nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso ng sakit na umabot sa 104.

Tatlumpo’t-lima nito ang mula sa Naga City; 21 sa bayan ng Pili; pito sa Nabua; tag-lima ang Cabusao at Iriga City; apat sa Milaor; tigta-tatlong kaso ang Baao, Calabanga at Libmanan; dalawa sa San Fernando, Sipocot, Ragay at Tigaon; habang may tag-iisa naman ang mga bayan ng Bato, Camaligan, Canaman, Goa, Lagonoy, Lupi, Magarao, Ocampo, Pamplona at San Jose.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nasa 25 kaso naman ang naidagdag sa lalawigan ng Albay kung saan 16 nito ang mula sa Legazpi City; tig-dalawa ang Daraga at Guinobatan habang may tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Camalig; Libon; Rapu-Rapu, Tabaco City at Tiwi.

Sa Camarines Norte, 19 ang mga naitalang bagong kaso ng sakit kung saan sampo nito ang mula sa Daet; apat sa Labo; tig-dalawang kaso ang San Vicente at Vinzons at isa naman sa bayan ng Basud.

Umabot rin sa 17 ang nairehistrong kaso ng COVID-19 sa Sorsogon kung saan walo sa mga ito ang mula sa Sorsogon City; apat sa Magallanes; tig-dalawa ang bayan ng Irosin at Pilar at isa sa Gubat.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Limang kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan tatlo nito ang mula sa Baras at dalawa naman sa bayan ng Virac.

May dalawang kaso rin ang Masbate na pawang mula sa bayan ng Aroroy habang sampong kaso naman ng sakit ang mula sa labas ng Bicol ngunit dito naitala sa rehiyon.

Bunsod nito, pumalo na sa 47,272 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 2,027 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Wala namang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t nananatili sa 43,064 ang COVID-19 recoveries sa rehiyon habang nasa 1,999 pa rin ang death toll o mga nasawi.###