Kaso ng COVID-19 sa Bicol, posible pa umanong dumami – DOH Bicol

Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol mayroon pa rin tyansang dumami ang mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay DOH Bicol Regional Director Ernie Vera, hindi pa rin tinatanggal ang posibilidad na tataas muli ang kaso ng nasabing sakit sa rehiyon dahil sa kumpiyansa at pagiging kampante ng mga tao kung saan may mga hindi na sumusuot ng facemask bilang proteksyon.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Inihalimbawa nito ang nangyari sa China na nagkaroon ulit ng COVID-19 surge.

Dahil dito ay muling umapela ang ahensya sa publiko na magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng residente upang maiwasan ang kaparehong scenario.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Tanging pag-iingat, pagsunod sa health protocols, at pagpapabakuna ang magagamit na panglaban sa sakit.

Sinabi pa ni Vera na nagpapatuloy pa rin ang istratehiya na ginagawa ng LGUs at mga rural health units upang tumaas pa ang vaccination coverage rate sa rehiyon.