Sampung bayan sa Pampanga, wala nang aktibong kaso ng covid-19

Wala nang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 ang sampung bayan sa lalawigan ng Pampanga.

Kabilang dito ang bayan ng Magalang, Guagua, Sta Rita, Sasmuan, Bacolor, Apalit, Candaba, Masantol, Minalin, at San Luis.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Base yan sa datos na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU ng Pampanga as of January 5.

Sa ngayon nasa 120 pa ang natitirang active case ng naturang virus sa buong lalawigan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Habang ang total confirmed cases naman ay umabot na sa 83,548 kung saan 80,393 dito ang naka rekober.