Kinumpirma ng Albay Provincial Health Offcie (PHO) na kaunti na lamang ang nagpapabakuna ng second booster laban sa COVID-19 sa buong lalawigan.
Sa isang panayam kay PHO head, Dra. Estrela Zenit, inihayag niyang sa first booster na lamang nagpapabakuna ang mga tao.
Dahilan umano nito ay nakikita na ng mga tao na kakaunti na lamang ang mga nagpopositibo sa COVID-19, kung kaya’t maaaring nakakampante na sila.
Aniya, katulad lang din umano ito ng mga negatibong reaksyon ng publiko sa naturang bakuna noong mga una.
Dagdag pa ni Zenit, isa rin sa mga dahilan ay marami talaga ang mga hindi naniniwala sa bakuna.
Samantala, wala naman umanong parusang ibibigay sa mga tao kung hindi magpabakuna ng booster.