Kaso ng bird flu sa Tacurong, nasa 21 na!

KORONADAL CITY — DAGDAG na isang panibagong kaso ng Avian Influenza o bird flu ang naitala mula sa isang poultry farm sa Barangay Rajah Muda sa Tacurong City ngayong linggo.

Ito ang inihayag ni Dr. Allan Alimajen, City Veterinary Services Officer ng lungsod sa nangyaring emergency meeting kasama ang Avian Influenza Task Force (AITF) Tacurong.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Agad namang nagsagawa ng depopulation ang City vet sa mga apektadong mga poultry sa pamamagitan ng euthanasia o mercy killing gamit ang carbon dioxide.

Sa ngayon nagsasawa na ng surveillance at trace back/trace forward ang mga otoridad sa nasabing lugar upang ma-contain ang bird flu sa nasabing barangay.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Napag-alaman na nakapagtala na ng 21 na panibagong reactive cases ng bird flu ang lungsod ng Tacurong.