25 na pamilya sa Surallah, nabigyan ng bahay sa Kasadya Village

KORONADAL CITY- DALAWAMPU’T limang pamilya ang panibagong nabigyan ng bahay sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Ang mga ito ay bagong batch ng mga benepisyaryo ng Kasadya Village sa Barangay Dajay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang mga napiling benepsiyaryo ay kabilang sa mga informal settler families at dumaan sa masusing screening.

Hinihikayat naman ang mga ito na pagandahin at alagaan ang kanilang bagong bahay.

Ang Kasadya Village ay isang proyekto ng LGU na pinondohan ng National Housing Authority (NHA).

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa ngayon, nagpapatuloy ang construction ng Phase II ng naturang proyekto na pinondohan ng P 25 million ng NHA sa ilalim ng Resettlement Assistance Program for Local Government Units.