Comelec aminadong hirap na hulihin ang mga taong sangkot sa ‘vote buying’

Aminado si Comelec Commissioner George Garcia na pahirapan ang paghuli at pagkaso sa mga indibidwal na sangkot sa vote buying operations.

Paliwanag ni Garcia maraming bagay na dapat isa-alang-alang upang tumindig ang kaso sa korte.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Bagama’t may kapangyarihan umano ang Comelec na magsagawa ng motu propio investigation sa kaso ng bilihan ng boto hindi naman sapat ang video at pictures lamang.

Dapat umanong may tao na mayroong personal knowledge sa kaso para maging credible witness at tumindig sa korte ang isasampang asunto.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Sinabi ni Garcia maliban sa pamimigay ng pera, maituturing din na vote buying ang pamimigay ng pagkain, T-Shirt, at mga pa-raffle sa campaign sorties.

Inihayag naman ng Comelec commissioner na bumuo na sila ng task force na siyang tututok sa mga kaso ng vote buying.