Karagdagang, onion cold storage, pinasinayanan

Binuksan na ang pangalawang onion cold storage sa Aritao,

Nueva Vizcaya kamakailan na nagkakahalaga ng dalawampung milyong piso mula sa General Appropriations Act 2023 ng DA High Value Crops Development Program at ito ay ipinasakamay sa Aritao Irrigators MPC.

Magsisilbi itong imbakan ng aabot sa sampung libong sako ng sibuyas hindi lamang mula sa nabanggit na bayan kundi maging sa karatig municipalidad ng probinsiya.

Hinikayat naman ni Dr. Rose Mary G. Aquino, OIC Regional Executive Director, DA RFO 02, ang mga magsasaka na ipagpatuloy ang pagtatanim hindi lamang ng sibuyas kundi maging sa iba pang mga pananim.

Sinabi nito na layuning maitaas ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng crop integration.Ipapakilala din ang lalawigan ng Nueva Vizcaya bilang Spice o Ginger Capital of the Philippines.

Plano pang dagdagan ang cold storage sa Dupax Del Sur at Ramon Isabela. Ayon kay Ms.

Carol P. Albay, Regional HVCDP Coordinator, dalawang yunit ang inaasahang alokasyon ng rehiyon sa susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *