Anti-terrorism Act Caravan sa Region 2, isinagawa

Nagsagawa ang 5th Infantry Division, Philippine Army ng Anti-terrorism Act Caravan para sa security sector sa buong Rehiyon Dos.

Tinilakay dito ang nilalaman ng Anti-Terrorism Act of 2020, karapatang pantao at mga ikinokonsiderang terrorism-related crime.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ipinaliwanag din sa mga kawani ng PNP, AFP at DILG ang mga designation ng bawat indibidwal at asosasyon bilang kasapi ng makakaliwang pangkat, Detention without Warrant of Arrest at Surveillance and Recording of Communication.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Binigyang-diin din sa nasabing caravan ang paghahatid ng tapat na serbisyo sa komunidad nang hindi nalalabag ang Human Rights at International Humanitarian Law.