Binata, arestado sa buy bust ops

Timbog ang tinaguriang Street level individual sa ikinasang drug buy bust operation kagabi sa Cordon, Isabela.

Kinilala ang dinakip na si alyas Tony,24- anyos ,walang trabaho at residente ng Purok sais Brgy Turud sur nasabing bayan. Inaresto ito ng pinagsanib na puwersa ng Cordon PS(lead unit), PIU-IPPO, at RIU-2 sa pakikipag ugnayan sa PDEA Region 2.

Nakuha sa kaniyang pag iingat ang dalawang heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 0.05 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php340.00 (buy bust item); isang piraso ng tunay na limang daang piso (buy bust money); at isang cellphone.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka sa mga nasamsam na ebidensiya sa lugar kung saan nahuli ang suspek.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya at suspek sa himpilan ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *