Karagdagang mahigit 460,000 Pfizer doses, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 465,600 doses ng Pfizer vaccines na binili ng gobyerno sa tulong ng World Bank.

Ito’y bahagi sa kabuuang 499,200 doses kung saan naunang dumating ang nasa 33,600 nitong Miyerkules.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ang naturang mga bakuna na dinala sa cold storage facility ng Department of Health (DOH) ay gagamitin para sa pediatric vaccination sa bansa.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, may ilang mga magulang pa din ang natatakot pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa magiging epekto umano ng nasabing bakuna laban sa Covid-19. || ARGIE ERGINA