‘Motherhood. UNLOCKED’
‘Yan ang caption ng Instagram post ng singer-actress na si Angeline Quinto na isa nang ganap na mommy!

Ilang oras matapos ang pag-give birth niya kay Baby Sylvio, nagpost ito sa IG wearing her medical gown pa at karga karga ang kanyang cute na tsikiting.
Kitang-kita ang saya sa mukha ni Angeline at nakataas pa ang kanyang kanang kamay! At sinudan ng isang IG story ng kanyang pinaniniwalaang non-showbiz boyfriend.

Una na siyang nag-post sa kanyang IG stories ng picture ng isang wall clock na may oras na 10:22pm – ang eksaktong oras ng kapanganakan ni Baby Sylvio.
Bago rin ito ay nag-post pa si Angeline ng picture sa loob ng sasakyan, at may nakasulat sa kanyang tiyan na ‘READY TO POP!!’.
Kaagad namang umulan ng congratulatory comments mula sa iba’t ibang mga celebrities and friends ng singer.
#
