Mga bagong pharmacists, nakatakdang manumpa sa May 20

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na nakatakdang gawin ang virtual oathtaking ng mga bagong nakapasa sa Licensure Examination for Pharmacists sa darating na ika-20 ng Mayo ngayong taon.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon sa PRC, kailangan mag-secure ng online appointment sa kanilang website ang mga makikilahok sa naturang panunumpa.

Hinikayat ng komisyon na magsuot ng formal o business attire at gumamit ng white background ang mga new passers hanggang matapos ang oathtaking ceremony.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Samantala, isasagawa ang nasabing virtual oathtaking ceremony ng PRC mula sa Rosales, Pangasinan, at Tuguegarao. || ARGIE ERGINA