Karagdagang doktor ideneploy ng DOH sa bayan ng Mercedes sa ilalim ng DTB program

CAMARINES NORTE – Nagpadala ng karagdagang doktor ang Department of Health sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa ilalim ng Doctor to the Barrio program.

Ginawa ang pormal na pagtatalaga kay Dr. Claudette Jane  Ilagan sa isang simpleng Turn over Ceremony na isinagawa  sa Legaspi City na pinangunahan ni DOH Regional Dr. Rodolfo Antonio M Albornoz.

Ang deployment ng Doctor to the Barrio ay bilang tugon ng DOH sa kahilingan ng LGU na magkaroon ng karagdagang doktor na makakatuwang ng Municipal Health Officer sa pagbibigay ng Serbisyong Pangkalusugan.

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinabi na ng DOH na hindi na ito magbibigay ng Human Resources for Health sa mga 1st hanggang 2nd class municipalities kundi sa 4t at 5th class municipalities na lang.

Ang Mercedes ay 2nd class municipality na may 26 na Barangay at 55, 000  populasyon.

Batay sa Konsulta package ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) may ratio na isang doktor sa kada P20,000 na populasyon.

Sa ilalim naman ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DOH at LGU, sasagutin ng huli ang bayarin sa Board & lodging ng doctor to the barrio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *