Mga delegado ng Bicol Region para sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City, handang-handa na

LEGAZPI CITY – Handang-handa na ang mahigit 600 na athleta mula sa Bicol Region na sasabak sa Palarong Pambansa 2024, maging ang deligado ng rehiyon na sasabak sa National Schools Press Conference 2024.

Nito lamang nakaraang araw, matagumpay na naisagawa ang opening remarks ng nasabing palaro sa lungsod ng Cebu, ngayong araw hanggang Hulyo 15 naman, nakatakdang isagawa ang proper competition kung saan magtatapos ito sa Hulyo 16 taong kasalukuyan.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Regional Director, Gilbert Sadsad, handang handa ang nasabing mga delegado ng rehiyon na sasabak sa nasabing dalawang magkahiwalay na kompetisyon.

Dagdag pa ni Sadsad, ang mga ipinadalang sasabak sa NSPC ay mga top performing divisions sa rehiyon, kung saan umaasa ahensya na magiging maganda ang kalalabasan ng kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *