Isa pang miyembro umano ng ‘Luffy Gang’, pina-deport ng BI

Ipina-deport na ng Bureau of Immigration ang isang Japanese National na umano’y miyembro ng “Luffy” gang na sangkot sa iba’t ibang krimen sa kanilang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, bandang alas diyes kaninang umaga nang umalis sa NAIA ang 54-anyos na si Takayuki Kagoshima at ang team ng Japanese police escorts sakay ng isang Japan Airlines flight patungong Narita.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Sinabi pa ni Tansingco na si Kagoshima ang ikapitong pinaghihinalaang miyembro ng “Luffy” gang na napa-deport ng BI simula nang maireport sa kanilang ahensya ang presensya ng mga ito sa bansa.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang kampanya para tugisin at ipadeport ang sino mang foreign fugitives na nagtatago sa bansa.

Aniya, hindi hahayaan ng ahensya na maging kanlungan ang Pilipinas ng mga wanted criminals ng ibang bansa.