Lumagda sa Contract of Agreements ang dalawamput apat na transport service cooperatives sa Central Luzon para sa ikatlong bugso ng Service Contracting Program.
Ito ay sa pangunguna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 3.
Layon nitong mas marami pa ang maserbisyuhang mga mananakay sa rehiyon at matulungang transport sector.
Matatandaan na nakaraang April 13 ay nagsimula na ang pagpapatupad ng Service Contracting Program sa Region.
Kasabay nito ay nag-inspeksyon rin ang mga tauhan ng LTFRB sa ilang mga terminal na mayroong PUV na kabilang sa programa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: LTFRB Region 3
