Nilinaw ng Department of Health na wala pang naitatalang kaso ng Omicron XE sa Pilipinas.
Sinabi ni Health Spokesperson Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na mahigpit ang monitoring nila sa posibilidad ng pagpasok ng mas nakakahawang Omicron variant sa bansa.
Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay nasa tatlo hanggang apat na bansa pa lang ang nakakapagtala ng Omicron XE.
Matatandaan na unang nagbabala si Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na nakakabahala ang posibleng pagpasok sa bansa ng Omicron XE dahil sa mababang rate ng booster shot sa mga Pilipino na posibleng magdulot ng surge sa susunod na buwan.

Nagbabala na din ang DOH at World Health Organization-Philippines na hindi malayong makaranas ng panibagong surge ng COVID-19 infections ang bansa sa kalagitnaan ng Mayo kung patuloy na hindi susundin ng mga tao ang minimum health standards. (LEO NAVARRO-MALICDEM)
#