Barangay Council ng Magcamagong  pinaalalahahan ang mga magulang na huwag hayaang mag isang naliligo sa dagat ang mga bata

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Barangay Council ng Magmacamagong sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang mga magulang na huwag hayaang mag isang naliligo sa dagat ang kanilang mga anak.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito kahit pa mayroong nag- iikot na mga Barangay Kagawad at Tanod sa lugar partikular sa boulevard.

Ayon kay Punong Barangay Elmer Ferera, ang lagi umano nilang paalala  at pakiusap sa mga magulang ay palaging tingnan ang mga kasamang bata sa paliligo sa dagat.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mababatid na isa sa mga dinagsang pasyalan sa lalawigan ng Camarines Norte noong Semana ay ang Mangcamagong Boulevard na nagmula pa sa iba’t- ibang lugar.

Pero kahit tapos na ang Semana Santa ay inaasahan pa rin ang pagdagsa ng mga namamasyal sa boulevard at naliligo sa dagat ngayong panahon ng tag- init.

Dahil sa pag dagsa ng mga tao sa lugar ay nagkaraoon ng pagkakataon ang ilan na makapaghanapbuhay.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang mga rolling store sa boulevard ay nagbabayad ng P20 sa barangay kada araw at ang mga residente naman ng Mangcamagong ay P10 lang.

Ayon kay PB Ferera hindi naman mabigat ang bayaring ito dahil kumikita naman ang mga maliliit na nagnenegosyo.

Ang mga establisymento at videoke bar ay mayroon namang binabayaran sa barangay sa pagkuha ng Business permit.

Umapela rin ang opisyal sa mga namamasyal na panatilihing malinis ang boulevard.