Kapitolyo, tiniyak na walang dalang Omicron variant ang mga uuwing ROF sa Palawan

Tinitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan na ang mga uuwing Returning Overseas Filipino sa probisnya sa Palawan ay Covid19 Free partikular sa Omicron variant.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, sa kamaynilaan palang ay sumasailalim na ang mga ito sa quarantine at sa huling araw naman ay RT -PCR Test upang matiyak na ligtas sa virus.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Dagdag pa ni Cojamco,sa ngayon wala pa namang umuuwing ROF sa lalawigan na nagmula sa ibang bansa na may banta ng Omicron Variant.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Matatandaan, pansamantalang sinuspende ng Pamahalaang Nasyunal ang nga flights mula sa mga bansa na may kaso ng Omicron