Sugatan na dwarf sperm whale, na-rescue ng pnp at pcg sa Calayan, Cagayan

Narescue ng mga otoridad ang isang Dwarf Sperm Whale na na-stranded sa baybayin ng Brgy. Naguilian, Camiguin Island, Calayan, Cagayan.

Sa pagtutulungan ng mga kasapi ng Calayan Maritime Police Precinct (MPP), Eastern Cagayan, Maritime Police Station (MARPSTA) at Philippine Coast Guard (PCG) ay nailigtas ang anim na talampakang dwarf sperm whale na napadpad sa lugar.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Tinatayang may bigat na 150 kilos ang naturang isda at nakitang may sugat sa ibabang bahagi ng dorsal fin nito.

Sa kabila nito ay ligtas namang naibalik sa karagatan ang naturang isda.

Napag-alaman na ang mga ganitong uri ng isda ay lumalaki hanggang 8.9 feet at tumitimbang ng 250 kilograms na mas maliit kumpara sa mga malalaking dolphins.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Pinuri naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan ang kapulisan sa kanilang ipinakitang kabutihan at hinikayat pa ang mga ito na manatiling magandang halimbawa sa pangangalaga ng marine assets at environmental resources.

Photo/PRO2