Nangingibabaw si NCR Gymnast Eldrew Yulo sa Palarong Pambansa matapos makamit ang ikaapat na individual victory at unang panalo sa secondary level sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakamit nito kahapon ang 14.5 points, matapos ang “almost flawless” na floor exercise routine na 13.25 points.
Bukod dito ay 9.4 points naman ang nakuha nito para sa mushroom, at 9.1 points in horizontal bar.
Mababatid na kapatid ni Eldrew ang world champion gymnast na si Carlos Yulo, kaya makikita ang kumpyansa nito dahil sa kanyang kapatid.
Ayon kay Eldrew naramdaman nito ang pressure ngunit umaasa siyang makukuha pa rin ang gold medal.
